pagbabalita sa bayan kong mahal

Pagkatapos ng isang taon, umuwi ulit ako sa bayan kong mahal, galing ako sa Gitnang Silangan kung saan mahirap at masaya ang buhay.May malaking pag kakaiba kapag nanood ka ng balita sa TV o kaya ay magbasa ng diyaryo, di ko man nais, ngunit gusto kong magkumpara ngayon.

Oo ngat nagbabalita sila ng pareparehong maganda at di-maganda, pero dito sa atin, di na nga maganda ang balita, sensationalized pa ang pagbabalita, para bang excited silang i-broadcast ang nasunog na katawan , nasaksak, napatay, bus na lumiyab at iba pa. Pagkatapos ,isusunod nila ang pagbabalita ng maganda … “good news daw” , dito napansin ko na naging malumanay ang pagbabalita.

Sa CNN at sa BBC, kapag nagbabalita sila, isa ang tono ng pagbabalita , di kahalo ang exsaherasyon lalo na kung ang ibabalita ay bad news. Ewan ko ba, sino naman ang gustong makarinig ng bad news habang kumakain ng hapunan pero ang Pinoy kze sanay na diyan, pati na sa pagbabalita at pag iimbestiga ng brodkaster on-air. Para baga silang nanghuhuli, para bang alam nila lahat, para ding nakalimutan na nila na news anchor sila, tagapagbigay ng balita , wala sila sa kanilang radio program kung saan pwede silang manggisa o mambatikos.

Sa gitnang silangang napuntahan ko, ang kultura ng broadcasting doon ay kakaiba, karamihan sa mga balita o pagbabalita ay nakapatungkol karamihan sa magandang balita, sa print media man o sa broadcast media. Kahit saan may bad news, ngunit hindi ipriniprisinta ito ng may halong exsaherasyon o kaya’y makapagpabigat ng kalooban ng mga manunuod. Ipinapakita nila sa kanilang pagbbrodkast ang mga di magagandang balita upang makapagbigay alam. OO nga’t totoo na may news blockout sa ibang mga bansa sa gitnang silangan, nakakatulong naman ito na maging payapa ang pagiisip at kalooban ng mga OFW na nangungulila sa kanilang pamilya.

Iba ang dulot ng mas madami kang naririnig at nababasang magagandang balita kaysa sa masasamang balita. Siguro naman lahat ay sasangayon dito. Minsan maganda din ang dinudulot kung kontrolado ang media, oo nga’t demokratikong bansa tayo ngunit hindi bawat pagbobrodkast o paglalathala natin ay nakakaganda sa tinatawag na “morale” ng mga manonood pati na din sa persepsyon ng ibang mga bansa sa bansang Pilipinas. Kapag nabanggit nyo ba ang bansang Malaysia, Brunei, Singapore, Taiwan sa ating kapwa Pilipino , ano ang naiisip nila sa katayuan ng mga bansang ito ayon sa pagkakarinig nila sa balita? Maunlad. Mapayapa. Tahimik.
Isunod mo ang tanong, “eh sa Pilipinas?” Maaring di pa sila nakakarating doon, ngunit dahil sa tulong ng media, nabubuo ang impresyon na nabanggit.

Hindi lahat ay may cable TV upang magkaroon ng option na hindi marinig ang pagbobroadcast ng ating mga sensationalized news at malaki ang magagawa ng local broadcast media upang maitaas ang antas ng “good morale” ng ating mga kababayan. Umpisahan natin sa pagbabalita ng maganda.

Advertisements

About atomickaleidoscope

A succinct and eclectic Electronics Engineer by profession although I preferred to teach as a passion. In this journey called life all i can say is : C'EST LA VIE ! CHEERS!
This entry was posted in My Beloved Philippines and tagged , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s